Ilang buwan makaraan ang hiwalayan nila ni Derek Ramsay na nali-link ngayon kay Ellen Adarna, handa na rin ba si Andrea Torres na umibig muli at pumasok sa panibagong relasyon?

"Hindi po muna," saad ng Kapuso actress sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa "24 Oras" nitong Biyernes.

ADVERTISEMENT

"Gusto ko po muna mag-spend ng time with myself," patuloy ni Andrea, na kabilang sa mga bida ng Kapuso upcoming series na "Legal Wives."

Idinagdag niya na mas nais muna niyang pagtuunan ng pansin ang kaniyang trabaho, pamilya, at mga kaibigan.

Nobyembre noong nakaraang taon nang kumpirmahin ni Derek na break na sila ni Andrea matapos ang mahigit isang taon na relasyon nila.

Sa isang ulat ng PEP.ph nitong Biyernes, inamin nina Derek at Ellen na isang buwan na silang magkasintahan.--FRJ, GMA News