Labis ang naging tuwa ng Army nang ipatikim ni Jung Kook ng BTS ang ginawa niyang bridge para sa kanilang kantang “Dis-ease.”

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras Weekend,” sinabing in-upload ito ni Jungkook sa Weverse app.

Agad itong pinusuan ng milyon-milyon nilang fans.

Kinilala ng International Federation of the Phonographic Industry (IFPI) ang BTS bilang Global Recording Artist of the Year.

Sinabi ng IFPI na “global phenomenon” na maituturing ang BTS dahil sa sunod-sunod na achievements nila noong 2020. – Jamil Santos/RC, GMA News