Isang lalaki ang pinatay na at tinanggalan pa ng tenga sa Victorias City sa Negros Occidental, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Nakagapos ang paa't kamay ng biktima at nakabalot sa plastic at packaging tape ang kaniyang ulo. Nakita ang bangkay ng biktima sa isang damuhan.

Nakitaan din ng mga sugat ang lalaki sa harap at likod ngunit hindi pa malinaw kung tama ang mga ito ng bala o mga saksak.

Isang placard ang nakita sa tabi ng bangkay na may nakasulat na "I love drugs."

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima. —KBK, GMA News