Masaya at nagpapasalamat ang Kapuso comedian na si Divine Tetay sa pagkakatanggap niya ng Silver Play Button mula sa Youtube.

Sa panayam ng GMA Regional TV Live nitong Lunes, sinabi ni Tetay na hindi niya inasahan na mabilis na dadami ang kaniyang subcribers lalo pa't ilang pa lang ang nakararaan mula nang planuhin niyang gumawa ng Youtube channel na mayroon na ngayong mahigit 300,000 subscribers.

Bukod sa pagpapasaya sa kaniyang mga subscribers, nais din ni Tetay na magbigay ng inspirasyon sa mga tao na maging matatag sa harap ng mga problema.

ADVERTISEMENT

Aniya, lahat naman ng tao ay dumadaan sa mga problema at nasa tao na kung papaano niya ito haharapin.

"I offer niyo lang kay Lord tapos live a happy day lang, live a happy life," payo niya.--FRJ, GMA News