Inamin ni Derek Ramsay na hindi pa sila muling nagkakausap ni Andrea Torres matapos ang kanilang breakup.

Sa exclusive interview ni Nelson Canlas kay Derek at bago nitong karelasyon na si Ellen Adarna, sinabi ng aktor na umaasa siyang magiging magkaibigan pa rin sila ni Andrea.

Ayon kay Derek, mayroon silang "differences" ni Andrea na hindi nila naresolba na humantong sa hiwalayan.

"I'm sure there will come a time where we will be back to having some sort of relationship as friends and I hope for that one day," anang aktor.

Idinagdag ni Derek na nirerespeto niya si Andrea at pamilya nito.

"If I definitely see her in the hallways of GMA, I'd approach her and greet her and her mom," saad niya.

Nangyari ang breakup nila Derek at Andrea noong Nobyembre, na tumapos sa  isang taon nilang relasyon.

Samantala, nitong nakaraang Enero naman nagkita sina Derek at Ellen, at inanunsyo ang kanilang relasyon nitong Pebrero.—FRJ, GMA News