Naglaan si Suga ng K-pop sensation na BTS ng mahigit P4 milyon para sa mga batang may cancer sa pagdiriwang ng kaniyang ika-28 kaarawan.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, binanggit ang ulat ng Korea Times na nag-donate ang rapper ng halagang $88,000 para sa child cancer patients.

"I wanted to help the children, who cannot receive proper treatment because of financial hardship, and see them become healthy and bright," saad ni Suga sa isang statement.

Isa ang BTS sa magpe-perform sa Grammy's nitong Linggo, Marso 14.

Nominated din ang grupo para sa kanilang hit single na "Dynamite."

Sa ulat ng Billboard, sinabing nag-donate rin sila ng outfits na kanilang isinuot sa kanilang "Life Goes On" music video sa Grammy Week Auction.

Nag-donate rin ang Grammy-nominated na sikat na personalities na sina Post Malone, Taylor Swift, Billie Eilish at H.E.R. – Jamil Santos/RC, GMA News