Ipinakita ni Matt Lozano, gaganap bilang si Big Bert sa "Voltes V: Legacy," ang talento niya sa paggigitara sa pamamagitan ng kaniyang guitar funk version ng opening ng Voltes V.

Sa kaniyang Instagram, mapapakinggan ang upbeat na guitar cover ni Matt, na hinangaan ng kaniyang co-star na si Miguel Tanfelix at kaniyang mga kaibigan.

 

 

Sa kabila ng mga pag-aalinlangan, inilahad ni Matt Lozano na masaya siya sa pagtanggap sa kaniya ng mga tao bilang si Big Bert sa Kapuso live action adaptation na "Voltes V: Legacy."

Nag-hire si Matt ng Grand Master ng arnis para mapaghandaan niya ang kaniyang audition.

Bilang si Robert Armstrong o Big Bert, ang karakter ni Matt ang piloto ng Volt Panser, ang magiging katawan ni Voltes V.--FRJ, GMA News