Masayang ibinahagi ni Polo Ravales na magiging ama na siya dahil sa ipinagbubuntis ng kaniyang fiancée na si Paulyn Quiza. Samantala, baby boy naman ang paparating na anak ng aktres na si Roxanne Barcelo.

Nitong Lunes, ipinost ni Polo ang larawan ng ultrasound ni Paulyn.

“Thank You Lord for this Miracle and Blessing. We are excited to meet you Baby P,” saad ng aktor sa caption ng larawan.

 

ADVERTISEMENT

 

Pasko noong 2018 naging engaged sina Polo at Paulyn.

Sa Q&A vlog, ibinahagi naman ng aktres na si Roxanne na baby boy ang kaniyang ipinagbubuntis.

Nasa likod ng camera ang asawa ni Roxanne, na nagtanong kung ano ang gusto niya sa mga bata.

"I love how creative they are, they are not pretentious at all. There's no fear yet, there's no judgment. If they like you, they like you. If they don't like you, they don't, it's very straight up with kids," ayon sa aktres.

Idinagdag ni Roxanne na mahal niya ang mga bata dahil sa pagiging "curious, enthusiastic, and positive" nila.

Nitong nakaraang Enero ibinalita ni Roxanne na magkakaroon na sila ng anak ng kaniyang mister matapos silang ikasal ngayong panahon ng pandemic.— FRJ, GMA News