Sinubukan ni Christian Bautista na maging "misis" ng kaniyang kabiyak na si Kat Ramnani para maranasan ang "struggles" ng pagiging isang babae kahit sa loob lang ng isang araw.

Sa Star Bites report ni Nelson Canlas sa GTV "Balitanghali" nitong Martes, sinabing ginawa ito nina Christian at Kat bilang pahabol na pagkilala sa kababaihan sa paggunita ng International Women's Month.

Gusto raw ni Kat na maranasan din ni Christian ang hirap ng pagiging isang babae.

Nagpaturo naman si Asia's Romantic Balladeer ng proper sitting at walking na suot ang black dress at high heels.

Hoping sina Kat at Christian na ma-inspire nila ang kanilang followers na i-appreciate ang mga kababaihan.


--FRJ, GMA News