Iniluwal na ni Isabelle Daza sa Hong Kong ang ikalawang baby nila ng kaniyang mister na si Adrien Semblat.

Sa kanilang Instagram accounts, ibinahagi ng mag-asawa ang pagdating sa mundo ng kanilang anak na si Baby Valentin.

"Valentin, we are so happy you exist," saad ni Isabelle sa caption.

ADVERTISEMENT

"April 9, 2021" at pangalang "Valentin" ang nakasaad sa larawan.

 

 

Nag-post din si Isabelle ng larawan na nasa labas sila ni Adrien ng Matilda International Hospital sa Hong Kong.

Ikinasal sina Isabelle at Adrien noong 2016, at isinilang ang kanilang panganay na anak na si Balthazar noong 2018. —FRJ, GMA News