Dahil hindi maiwasan ng kanilang listeners at viewers na mapatanong tungkol sa estado ng kanilang relasyon, inihayag nina DJ Kara Karinyosa at Papa Jackson ang real score sa kanilang dalawa.

"Nagpapa-crush po kasi ako. Ako 'yung nagpapa-crush. Ayaw niya po akong i-crush eh," sagot ni Papa Jackson nang maging mag-guest sila sa programang "Mars Pa More."

"Super duper close talaga kami. Kahit noong noon pa, ilang years na... close talaga kami. Lahat ng secrets niya alam ko, lahat ng secrets ko alam niya," ayon naman kay DJ Kara.

"So kung ano man, sa tamang panahon na lang," pagpapatuloy ni DJ Kara, na sinabing 2015 pa sila magkakilala ni Papa Jackson.

Nagsimula raw nilang makilala sa isa't isa nang ayain ni DJ Kara si Papa Jackson na mag-cover ng kanta.

Pero sa mismong araw ng pag-cover nila, na-late si DJ Kara kaya na-bad trip sa kaniya noon si Papa Jackson.

"Super saya namin kasi parang lahat ng gagawin namin suportado talaga sila," komento naman ni DJ Kara sa pagtanggap ng fans sa tambalan nilang "KarJack."

"Actually noong una naiilang ako dahil parang hindi na bagay. I'm 39, parang hindi na bagay sa edad ko," pag-amin naman ni Papa Jackson.--FRJ, GMA News