Inihayag ni Polo Ravales na dumating na siya sa punto na ayaw na niyang magkaroon pa ng partner sa buhay. Pero nabago raw ang lahat nang makilala niya ang fiancée na niya ngayong si Paulyn Quiza.

Sa programang "Mars Pa More," ikinuwento ni Polo na tulad ng maraming magkasintahan, nagsimula muna sila ni Paulyn bilang magkaibigan hanggang sa ma-develop ang kanilang relasyon.

Nang Maging magkasintahan na sila, sinabi  ng aktor na marami siyang binago sa kaniyang sarili.

ADVERTISEMENT

"Pagtagal kasi you will feel na siya talaga 'yung para sa'yo. So 'pag na-feel mo 'yun you're gonna start planning your life together. Of course mababago ka rin sa sarili mo, babaguhin mo 'yung negative traits mo dati," anang aktor.

"Maraming changes. So pagka na-feel mo na doon ka na sa path na pupunta na magkasama talaga kayo forever talagang you're gonna strive hard para maging pinaka-best version ng sarili mo," dagdag ni Polo.

Inamin ni Polo na dumating ang pagkakataon na wala na siyang balak na pumasok pa sa isang relasyon. Pero nagbago raw ang kaniyang pananaw nang makilala si Paulyn.

"Bago ko makilala si Paulyn kasi, tama 'yung sa checkpoint nga na either I'm gonna turn left or turn right. 'Yun kasi 'yung time na ayoko nang magkaroon ng partner talaga. Parang mas gusto ko single na lang ako. So talagang sobrang left or right siya, 'yun 'yung nangyari sa akin," sabi ni Polo.

"[Pero] Nung na-meet ko siya, du'n lang nagbago 'yung isip ko," dagdag niya.

Naging engaged si Polo kay Paulyn noong 2018.--FRJ, GMA News