Ibinahagi ni Chris Hemsworth ang maganda niyang ideya kung paano papagurin ang kaniyang anak na si Tristan na puno nang energy.

Sa kaniyang Instagram, mapapanood na bumaba mula sa kanilang sasakyan ang pitong-taong-gulang na si Tristan para tumakbo papunta sa mga tupa.

 

 

Todo-support naman si Chris at nag-cheer pa habang kinukunan ng video si Tristan.

"Finally found a way to exhaust my kids #classicsheepdog" caption ng "Thor" actor. --Jamil Santos/FRJ, GMA News