Inihayag ni direk Mark Reyes na malapit nang magsimula ang paggawa nila ng inaabangang live-action series na “Voltes V: Legacy.”

Sa Instagram post nitong Lunes, ipinasilip ni direk Mark ang magiging set ng Camp Big Falcon, na kuta ng Voltes Team.

"A lot have been asking me for an update regarding Voltes V. So here’s an official sneak peek from the set of Camp Big Falcon. Production will start soon," saad ni direk Mark sa post na may hashtag  din na "#work in progress."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mark Reyes (@direkmark)

 

Nitong nakaraang buwan, nag-post na larawan ang direktor na magkakasama ang mga bida Voltes V na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores at Matt Lozano.

Si Miguel ang gaganap bilang si Steve Armstrong, team leader ng grupo.

Sina Matt at child actor na si Raphael Landicho ang gaganap bilang sina Big Bert at Little Jon. Habang si Ysabel naman si Jamie Robinson, at si Radson bilang si Mark Gordon.--FRJ, GMA News