Nagpahiwatig ang Pinoy pop group na SB19 ng release ng kanilang bagong single ngayong Mayo.

Sa official page ng SB19, makikita ang isang post ng world map na may #SB19Saan na tila titulo ng bago nilang kanta.

 

???? New Song Announcement Release on 2021.05.16 #SB19IkalawangYugto #SB19Saan????

Posted by SB19 on Monday, May 3, 2021

 

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabing bahagi ito ng Ikalawang Yugto music launch, at nakatakdang i-release sa Mayo 16.

Para naman sa mga A'Tin, na excited sa bagong single ng grupo, tila simula na ito ng global domination ng SB19.

Kaniya-kaniya na sila ng hula sa titulo ng kanta.

Naging bagong milestone rin ng grupo ang mahigit siyam na milyong YouTube views ng music video nilang "What?"

Kamakailan, gumawa sila ng kasaysayan nang maging nominado sa Billboard Music Awards 2021. —NB, GMA News