Ipinagdiwang ni Korean superstar Lee Min Ho ng kaniyang ika-15 anibersaryo ng kaniyang career.

Sa kaniyang Instagram, nag-post si Lee Min Ho ng isang simpleng selfie habang nakasuot ng face mask, at pinasalamatan ang fans at supporters na ipinagdiwang ang kaniyang anibersaryo.

ADVERTISEMENT

"Thank you everyone for celebrating 15th Debut anniversary," caption ni Lee Min Ho.

 

 

Sa ngayon, meron nang tatlong milyong likes ang post ni Lee Min Ho.

Sinimulan ni Lee Min Ho ng kaniyang acting debut sa Korean drama na "Secret Campus" noong 2006, at mas nakilala pa sa "Boys Over Flowers" na series. --Jamil Santos/FRJ, GMA News