Sa "Tunay Na Buhay" documentary show ng GMA Network, inihayag ni Rufa Mae Quinto na kahit nasa Amerika na siya kasama ang pamilya, nami-miss pa rin niya ang showbiz, lalo ang pag-arte.
Ayon kay Rufa, nakapag-adjust na siya roon sa California at maigi na nararanasan ng anak na si Alexandria ang "tunay na buhay."
At dahil miss niya ang acting, sumabak ang komedyana sa Actingan Challenge, kung saan nilagyan niya ng comedy na tatak-Rufa Mae ang ilan sa iconic lines nina Nora Aunor at Sharon Cuneta.
Panoorin ang drama with a twist of comedy ni Rufa Mae.
—LBG, GMA News

