Nag-trend pati sa South Korea ang bagong version ng "Leaves" ng OPM band na Ben&Ben kung saan ka-collaboration nila ang K-pop idol na si Young K ng grupong Day 6.

Reimagined version ito ng kanilang 2017 hit song, ayon sa ulat ng GMA News "Saksi."

ADVERTISEMENT

Mas lalo pang bumagay ang liriko ng Leaves na "All will be alright in time" ngayong marami ang mga nangyayari sa mundo.

Ayon pa sa ilang nakarinig ng collab version, nakapaghatid ng comfort at reassurance ang bagong version sa kanila lalo ngayong may pandemya.

Tumawid din ang kanta hanggang sa Korea kung saan nag-trend din ang OPM band. -Jamil Santos/MDM, GMA News