Ngayong meron nang tatlong anak, sinagot ni Camille Prats ang tanong kung handa pa ba siyang gumawa ng sexy roles.

"Parang hindi ko na carry. Feeling ko kahit gustuhin ko... I mean, not after three kids, not at this time parang... I don't think kaya ko pang gawin 'yon," sagot ni Camille sa "Mars Pa More."

Ayon pa kay Camille, hindi na rin siya papayag kahit sa pelikula pa ang magiging proyekto.

"Huwag na ngayon, oks na 'yon," sabi ng aktres.

Sa kaniyang Instagram, makikitang pinaglalaanan ni Camille ng oras ang workout para manatiling fit at healthy.

Kasama pa niya minsan sa kaniyang workout ang asawang si VJ Yambao.

Ibinahagi ni Camille sa kaniyang vlog ang weight loss journey nila ni VJ.

"Consistency is really the key... It helps that your partner works out. We look after each other. We motivate each other," sabi ni Camille.

"It took us almost a year to finally shed some pounds. There is no such thing as an overnight thing," dagdag niya. – Jamil Santos/RC, GMA News