Matutuloy na nga ba ang pagiging Kapuso at bibida sa bagong teleserye si Beauty Gonzalez?

Ayon sa ulat ng GMA Entertainment nitong Miyerkules, tuloy na umano ito pero hindi pa inihahayag ang detalye ng programa.

Taong 2018 nang unang umugong ang paglipat ni Beauty sa GMA nang makita siyang bumisita sa GMA Network Center para sa pulong ng ilang Kapuso executives.

ADVERTISEMENT

Lalo pang lumakas ang ugong noon na magiging Kapuso na ang aktres nang lumabas siya sa game show na “Celebrity Bluff.”

— FRJ, GMA News