Umabot na ng mahigit one million views ang "Leaves" music video ng Ben&Ben tampok ang K-pop artist na si Young K ng Day6.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Martes, sinabing tampok din ang Ben&Ben sa Spotify Pop Rising Korea at ang Leaves sa New Music Friday Playlist all over Asia.

ADVERTISEMENT

Nagpasalamat si Young K sa natanggap niyang suporta sa first musical collaboration niya kasama ang isang Pinoy band.

Gayundin ang Ben&Ben na nagpasalamat sa kanilang fans.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News