"Happily ever after" ang mga karakter nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion na sina Yaya Melody at President Glenn Acosta sa finale ng hit Kapuso series na "First Yaya."

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabing mula sa "First Yaya," naging First Lady na ang pambansang yaya na si Yaya Melody.

ADVERTISEMENT

Ipinalabas nitong Biyernes ang kasal nila ni President Glenn Acosta.

Sa kaniya namang Instagram, ibinahagi ni Sanya ang kaniyang sweet photo kasama ang kaniyang leading man by the beach.

Ang message naman ni Kakai Bautista, extra sweet at touching naman sa kaniyang "dears" na sina Sanya, Cai Cortez, Thia Thomalla, Maxine Medina at Cassy Legaspi.

Hindi rin nagpahuli si Cassy sa kaniyang sweet messages para sa kaniyang mga ate at Tyang sa show.

Thankful at proud ate rin si Cassy para sa mga nakatrabaho na sina Clarence Delgado at Patricia Coma. – Jamil Santos/RC, GMA News