Labis ang saya nina Lovely Abella at Benj Manalo sa bago nilang bahay.

Sa Instagram, nag-post ng larawan si Lovely na makikita ang kanilang bagong bahay na aniya'y, isang pangarap na tinupad ng Diyos.

"Ngayon pa lang nag-sink in sa 'kin na totoong nangyayari lahat ng 'to sa aming pamilya. Walang imposible talaga pag may pananalig ka kay Lord, sipag at tiyaga," ayon kay Lovely.

ADVERTISEMENT

Paghikayat pa niya sa kaniyang followers,  "Grabe, maniwala kayo walang impossible lalo na sa katulad kong mahilig mangarap."

Binati rin ni Lovely ang kaniyang mister sa kanilang bagong tagumpay.

Sa comments section, sinabi ni Benj na, "Lets go, baby!! Trabaho pa tayo hahaha love you congrats sa 'tin! And sa buong team na nakapaligid satin! Para satin 'to!"

 

 

Sa isang ulat ng "24 Oras Weekend" nitong nakaraang buwan, sinabi nina Lovely at Benj na nanggaling sa kanilang kita sa online selling business ang ipinampatayo nila ng bahay.

Nakabili rin sila ng sasakyan noong Marso na mula rin sa kanilang ipon sa online business.— FRJ, GMA News