Isa si Shaira Diaz sa mga labis na natuwa nang lumipat bilang Kapuso ang aktres na si Bea Alonzo.

"Parang sabi ko talaga ay, sakto yung idol ko lumipat. Eh dito sa GMA, kapag tinatanong kami kung sino yung peg mo, sino yung gusto mong katulad na career na tahakin, sabi ko talaga, Bea...Bea Alonzo," saad ni Shaira sa panayam ng GMA Showbiz News.

Minsan na raw nakatrabaho ni Shaira si Bea at nakita niya kung gaano kabait ang aktres.

ADVERTISEMENT

Umaasa rin si Shaira na makakatrabaho niya si John Lloyd Cruz, na napapabalitang gagawa ng sitcom sa GMA.

Samantala, puring-puri naman ni Shaira si Ruru Madrid, na leading man niya sa upcoming action-series na "Lolong."

Inilarawan ni Shaira si Ruru na masayang katrabaho. madaling lapitan, funny at mapagpakumbaba.

"Komportable ako kay Ruru [na katrabaho]," deklara ng aktres. --FRJ, GMA News