Buong kilig at paghanga na pinusuan ng netizens ang komento ng rumored boyfriend ni Bea Alonzo na si Dominic Roque sa isang Instagram post ng aktres.

Sa kaniyang Instagram, nag-post si Bea ng larawan na suot niya ang kaniyang cherry dress habang nasa Malibu, California.

Sa comments section, makikita ang comment ni Dominic na "i*y.????"

Todo-kilig ang fans dahil sa kasalukuyan, umabot na ito ng mahigit 17,000 likes.

Bukod dito, ipinasilip din ni Bea ang kaniyang bakasyon sa Amerika kung saan suot niya ang iba't ibang OOTDs.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

 

Nag-enjoy din si Bea sa mga food trip at magagandang views.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing nag-quick break si Bea para magre-energize bago sumabak sa Kapuso projects. —LBG, GMA News