Kasunod ng balitang paghihiwalay nila ng mister na si Aljur Abrenica, nag-post si Kylie Padilla ng larawan niya na may caption na nagpapahiwatig ng kaniyang katatagan sa harap ng pinagdadaan pagsubok sa buhay.

Sinasabing may third party na sangkot sa paghihiwalay ng mag-asawa pero kapwa tahimik sa naturang espekulasyon sina Kylie at Aljur.

"In the end the best thing to do is not to blame anyone for the things that happened BUT to observe where you could have done better," sabi ni Kylie sa caption.

Patuloy ng aktres, "Life is about growth. Silence the noise and make the best out of life."

Sa pagtatapos sa naturang caption, sinabi ni Kylie na, "I’m happy, I’m healthy, I’m alive. I’m hoping the same for you."

 

 

Kamakailan lang, inihayag din ni Kylie na nakatakda na silang lumipat ng bahay ng kaniyang mga anak. --FRJ, GMA News