Isinilang na ni Miriam Quiambao ang ikalawa nilang anak ni Ardy Roberto na si Ezekial Isaiah o "Ziki."

Ipinanganak ng 46-anyos na beauty queen si Ziki nitong Lunes, Hulyo 12 ng 6:06 p.m.

Ibinahagi ni Miriam sa kaniyang Instagram ang kanilang family photo sa ospital na suot-suot pa ang kanilang mga gown at cap.

ADVERTISEMENT

"Thank you for your prayers! We are delighted to announce that our miracle baby Ezekial Isaiah 'Ziki' Quiambao-Roberto was born at 37 weeks and 1 day on July 12, 2021 at 6:06pm," caption ni Miriam.

 

 

Si baby Ziki ay isinilang sa ika-37 linggo at isang araw nito, at may timbang na seven pounds, 1oz at 50 c.m. ang sukat. Meron din itong APGAR score ng 9/9, pagbabahagi ni Miriam.

Nitong Lunes, nagbahagi si Ardy ng video ni Miriam na nasa ospital habang naghahandang manganak.

Ikinasal sina Miriam at Ardy noong 2014, at inanunsyo noong Disyembre na inaasahan na nila ang kanilang ikalawang anak.

Isinilang naman ni Miriam ang panganay na anak na si Elijah noong 2019.--FRJ, GMA News