Halos tatlong taon nang magkarelasyon sina Lovi Poe at ang British boyfriend niyang Monty Blencowe. Kaya naman tinanong ang aktres sa programang "Mars Pa More" kung si Monty na nga ba ang "the one" para sa kaniya.

"Well, you know, ang hirap sabihin but you know, he's great and I hope, I hope... Yeah, hopefully," sabi ni Lovi kina "Mars Pa More" hosts Camille Prats at Iya Villania.

Dahil long distance ang kanilang relasyon, sinabi ni Lovi na hamon sa kanila ni Monty ang pag-a-adjust ng kanilang mga oras dahil magkaiba sila ng timezone.

ADVERTISEMENT

"We tend to communicate early in the morning. Siguro one of the reasons why automatic sa aking gumising nang mas maaga kahit hindi ko naman sinasadya kasi siguro dahil alam ko somehow na kakausapin ko na siya early in the morning. The time difference is hard more than any," anang Kapuso actress.

Pero may plano na ba siyang lumagay sa tahimik?

"For me I just don't have like a target age or whatever. It's just, if it happens or when it happens, it will happen. When the time is right, you'll feel it," aniya.

Tinanong din si Lovi kung sa Pilipinas o sa abroad na sila magse-settle down ng kaniyang nobyo sakaling magpakasal sila.

"It's hard to say, andito kasi ang life ko 'di ba? So ang hirap sabihin. I see myself still flying back and forth kahit pagod na pagod na ako," ayon sa aktres na natawa nang hilingin ni Iya na makita ang kaniyang kamay kung mayroon na siyang suot na engagement ring. --FRJ, GMA News