Nakatanggap ng bouquet ng bulaklak si Kris Aquino mula sa misteryosong lalaki na binati at pinasalamatan niya nitong Miyerkules sa Instagram post.

Sa panibagong post, ipinakita ni Kris ang ipinadalang bulaklak sa kaniya habang hawak ng kaniyang anak na si Bimby.

“I have never been thanked this way for a ‘birthday’ post. Obviously, he has Bimb’s yes and I have always been vocal. When my sons are okay, then my world’s okay,” saad ni Kris.

“And because I want to keep it this way, whatever shall be happening will be only for us - my family, closest friends, and trusted team,” patuloy niya.

ADVERTISEMENT

 

 

Ibinahagi rin ni Kris na nagkatagpo sila ng "mystery man" dahil sa kaniyang namayapang kapatid na si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

“Thank you for wanting me to be happy. This time, I feel even Noy in heaven will finally approve, [I think] because we’d never have met had it not been for him,” ayon kay Kris.

Nabanggit din ni Kris kung gaano na sila katagal na magkakilala. Hiniling din niya sa ilang follower na huwag nang tanungin si Atty. Gideon Peña tungkol sa detalye ng kaniyang special someone.

Ayon kay Kris, ang unang pagkakataon na ipakilala sila sa isa't isa ay noong termino pa ni Noynoy. Muli raw silang nagkaroon ng komunikasyon matapos pumanaw ang kaniyang kapatid.

Nitong Miyerkules, binati ni Kris at pinasalamatan ang mystery man “for coming into my life.” – FRJ, GMA News