Daring at sexy si Kim Rodriguez sa pagdiriwang ng kaniyang ika-27 kaarawan matapos siyang mag-pose ng topless sa kaniyang Instagram.

"Be brave enough and always dare to try new things, as life becomes boring when you stay in your comfort zone,"

Sa post, sinabi ni Kim na thankful siya na kasama niya ang kaniyang pamilya at mga kaibigan sa mga panahon na walang katiyakan at na-overcome niya ang mga problema.

ADVERTISEMENT

 

 

Happy rin si Kim sa kaniyang bagong achievement na cycling adventure.

"The first time is always the best feeling," sabi ni Kim, na mag-isang nag-cycle ng 33 kilometro sa halos tatlong oras mula sa kaniyang tahanan.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras Weekend" sinabing gayunman, hindi ito ang unang pagkakataon na sumabak si Kim sa outdoor sports.

Nitong Mayo, nag-hike din si Kim sa lalawigan ng Rizal.--FRJ, GMA News