Pumanaw na nitong Martes ang 46-anyos na komedyante na si Mahal, o Noeme Tesorero sa tunay na buhay.

Ang malungkot na balita ay kinumpirma sa GMA News Online ng stepmother niya na si Josefa Tesorero.

Tumanggi na siya na sabihin ang detalye sa pagkamatay ni Mahal.

"Hindi muna ako tatanggap ng interview, please. Hindi pa namin kaya. Sorry," pakiusap ni Josefa.

Noong nakaraang linggo lang, ipinalabas sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang pagpunta ni Mahal sa Bicol para bisitahin at tulungan ang kaniyang kaibigan at dating ka-love team na si Mura.

Napanood si Mahal sa ilang Kapuso program tulad ng "Owe My Love," kasama sina Love Poe at Benjamin Alves.--FRJ, GMA News

Tags: