Umani ng mahigit dalawang bilyong heart emojis ang birthday livestream ng pinakabatang miyembro ng BTS na si Jungkook.

Sa ulat ng GMA News "Saksi," mapapanood ang on-the-spot na paggawa ni Jungkook ng kanta mula sa mga mensahe ng kaniyang fans.

May pa-miniconcert din si Jungkook ng ilang hit songs gaya ng MIC Drop at Spring Day, kaya naman naging extra special ang pagpasok ng 'ber' months para sa BTS Army. 

Pinuntahan pa si Jungkook ng BTS co-member na si J-Hope para batiin siya ng maligayang kaarawan sa gitna ng livestream.

Binati rin si Jungkook ng ibang BTS members sa social media. —Jamil Santos/LBG, GMA News