Matapos mawala at mabuwag ang original Sexbomb Girls, kumusta na ang ilan sa mga naunang miyembro nito na sina Aira Bermudez, Johlan Veluz, Louise Bolton at Mhyca Bautista?

Sa programang "Stories of Hope," sinabi ng apat na malaki ang naitulong ng kanilang grupo para makilala at gumanda ang kanilang mga buhay.

ADVERTISEMENT

Sina Aira at Johlan, nagamit ang kita sa pagiging dancer para mabigyan ng bahay ang pamilya at napag-aral din ang kapatid.

Ngayon, sino kaya kina Aira, Johlan, Louise at Mhyca, ang patuloy sa pagsasayaw, napunta sa pagnenegosyo, CEO ng sarili niyang kompanya, naging production designer, kumuha ng culinary at pumasok na empleyado sa isang hotel?

Tunghayan ang kanilang kuwento sa video.

--FRJ, GMA News