Humingi si Iya Villania ng tulong matapos na ma-hack ang kaniyang Facebook page at mawalan ng access dito.

Ito ang inanunsyo ng Chika Minute anchor sa kaniyang Instagram account.

 

ADVERTISEMENT

"HACKED!!! ???????????? Heads up guys… my Iya Villania FB page has been hacked," caption ni Iya.

"I don’t have control on my page anymore ???? any leads to people who can help will be greatly appreciated ????" paghingi ng tulong ni Iya.

May 8.2 milyong followers ang Facebook page ni Iya.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing ang latest post ni Iya ay ang FB stories ng kaniyang anak, mahigit isang oras bago ma-hack ang account.

Pero sa kasalukuyan, wala na ang naturang post. —LBG, GMA News