Para kay Rere Madrid, "forever" na raw ang relasyon ng kaniyang kuya na si Ruru Madrid at napapabalitang nobya nitong si Bianca Umali.

"Sa nakikita ko sa kanila ngayon, sobrang inlove kasi sila sa isa't isa. And kung paano sila magmahalan, sobrang ramdam ko," sabi ni Rere sa "Mars Pa More."

Kasabay nito, inilahad din niyang boto siya para kay Bianca.

"Kaya ayun, gustong gusto ko rin si Bianca," sabi ni Rere.

Si Rere, o kilala rin bilang si Athena, ang nakababatang kapatid ni Ruru na sumali sa StarStruck season 7.

Wala mang pormal o opisyal na pahayag tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, tila mas bukas na ngayon si Ruru na ipaalam ang kaniyang nararamdaman para kay Bianca.--FRJ, GMA News