Nagpainit si EA Guzman sa social media matapos siyang mag-post ng kaniyang maskuladong pangangatawan para sa isang endorsement. Inilahad naman niya ang mga Kapuso actor na kaniyang idol pagdating sa pangangalaga sa katawan.

"Matinding preparation ang ginawa ko para rito sa bago kong pictorial sa isang underwear brand. Nag-diet ako, as in wala talaga akong rice, hindi ako nag-rice at all sa meal ko. Ang lagi ko lang kinakain is chicken tapos fish," kuwento ni EA sa Unang Hirit tungkol sa ginawa niyang preparasyon para sa endorsement ng isang clothing brand.

"After workout ko naman, every time na nagwo-workout ako, boiled eggs 'yung kinakain ko after the workout. Talagang dinisiplina ko 'yung sarili ko para rito sa endorsement na ito," dagdag ni EA.

ADVERTISEMENT

 

 

Natuwa si EA sa pagsaludo sa kaniya ng ilan niyang kapwa Kapuso actors nang ma-achieve niya ang kaniyang fitness goals.

"Nabasa ko rin 'yung comments ng ibang Kapuso actors natin. Sila talaga 'yung mga lodi kasi kumbaga, sila rin 'yung magaganda 'yung katawan eh. Sina Ruru (Madrid), David Licauco, Rodjun Cruz. So sila talaga 'yung mga lodi ko pagdating sa mga workout at pagpapaganda ng katawan," sabi ni EA.

"Nakakatuwa. Nakakataba ng puso."

Ayon kay EA, tatlong beses siyang mag-basketball kada linggo para sa kaniyang cardio.

Mapapabilang si EA sa regular cast ng "Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento."--FRJ, GMA News