Inihayag ni Kylie Padilla ang kaniyang suporta sa pagpapasa ng divorce bill matapos magsalita ang kaniyang ex husband na si Aljur Abrenica tungkol sa kanilang hiwalayan.

Nitong Martes ng gabi, nag-tweet si Kylie ng #passdivorcebill.

 

 

ADVERTISEMENT

Sa isang pahayag na ibinahagi ni Aljur sa social media nito ring Martes, hiniling nito kay Kylie na “please tell them the truth” at sinabihan ang aktres na tumigil sa paglalabas ng mga gawa-gawa niya umanong komento para lamang sa sariling kapakanan.

Ilang oras matapos nito, sumagot si Kylie at nagbahagi ng cryptic quote sa kaniyang Instagram stories kung saan mababasa: "Never underestimate a man’s ability to make you feel guilty for his mistakes."

Kinumpirma ni Robin Padilla noong Hulyo sa isang panayam na naghiwalay na ang anak niyang si Kylie at Aljur matapos ang mahigit dalawang taon na mag-asawa.

Nang tanungin tungkol sa third party, sinabi ni Robin na meron umano sa parte ni Aljur.

Inihayag ni Kylie na co-parenting ang ginagawa nila ni Aljur para sa mga anak nila na sina Alas at Axl.

Nito namang nakaraang linggo, binasag ni Kylie ang kaniyang katahimikan hinggil sa mga usap-usapin na nagde-date sina Aljur at aktres na si AJ Raval, at sinabing hiling niyang maging masaya si Aljur habang nananatiling tatay ng dalawa nilang anak.

Nagsalita naman si AJ at itinangging siya ang third party sa hiwalayang Aljur at Kylie.

Nitong Agosto, isang substitute bill tungkol sa absolute divorce at nakatakdang pagdebatihan sa plenaryo sa House of Representatives matapos itong maaprubahan sa committee level.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News