Patuloy ang SB19 sa paggawa ng ingay sa international music charts matapos pumasok ang latest single nilang "Bazinga" sa Hot Trending Songs chart ng Billboard.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing kabilang din ang Bazinga sa listahan ng most talked about songs sa Twitter sa nakalipas na 24 oras, at sa nakalipas na pitong araw.

Pasok din ito sa top five ng 24-hour chart at top 10 ng seven-day live chart.

Ipe-perform nila ang kanilang single na Bazinga sa "All Out Sundays." – Jamil Santos/RC, GMA News