Inihayag nina Kuya Kim Atienza at Zoren Legaspi kung anu-ano nga ba ang pinag-uusapan ng mga lalaki sa tuwing magkakasama ang mga ito. Totoo nga bang pinag-uusapan din nila ang mga babae?

"Actually kami ni Zoren, simple lang ang pinag-uusapan namin, isa lang ang passion namin eh—motor at bisikleta," sabi ni Kuya Kim sa Mars Pa More.

"Ang pinag-uusapan namin motor at bisikleta a lot of times. Pero si Zoren, palaging ang banggit ng pangalan niya, si Carmina," biro ni Kuya Kim.

"Minsan 'yung mga [asawang babae], kapag ang mga lalaki nagsama-sama, takot na takot sila na akala nila babae ang pinag-uusapan. You girls are totally wrong!" sabi naman ni Zoren.

"Totoo ito, I swear! Lalo na 'yung mga nagmomotor. I don't know about the other guys 'yung nagpo-poker," dagdag ni Zoren.

Hindi sumang-ayon dito ang host na si Iya Villania, na sinabing may mga pagkakataon na pinag-uusapan din ng mga lalaki ang mga babae.

"Really?! Sino 'yan? Hindi kami makikipagbarkada diyan sa tao na 'yan," depensa ni Zoren.

"I guess we have to qualify also kung anong grupo ng mga lalaki 'yon. Kung 'yung mga nagmo-motor, mga hobbyist, puro hobby ang pinag-uusapan. Kung barkada lang, assuming ang pinag-uusapan natin mga barkadang lalaki na walang single interest... kung mga binata 'yan, puro chicks ang pinag-uusapan niyan," paliwanag ni Kuya Kim.

Gayunman, napatanong si Carmina kung ano ang pinag-uusapan ng mga lalaking may-asawa bukod sa kanilang hobbies.

"Of course, nagba-bike rin kami ni Kuya Kim. So how can you talk about girls na pagod na pagod ka, hinihingal ka? There is no way!" ani Zoren.

Alamin sa video ang buong talakayan kung sino sa mga kalalakihan o kababaihan ang mas tsismoso o mas tsismosa.

 

—Jamil Santos/AOL, GMA News