Isa na ring vlogger si Ruru Madrid, at kumasa sa pagluluto ng adobo kahit hindi siya marunong para sa kaniyang unang entry.

Sa kaniyang vlog, na mapapanood din sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend, ikinuwento ni Ruru na marami sa mga miyembro ng kaniyang pamilya ang eksperto sa pagluluto.

ADVERTISEMENT

Nagtataka siya na siya lang ang hindi marunong nito kaya sa gitna ng vlog, tinuruan pa siya ng tito niya.

Hindi rin nakaiwas si Ruru sa maiinit na tanong ng fans.

"Para lang masagot ko 'yang katanungan ko na 'yan, kahit ano. Mapa-lights on man 'yan, lights off man 'yan, ibibigay ko 'yung best ko," sagot ni Ruru sa tanong kung lights on o lights off.

"Sa showbiz. Wala sa'yo 'yung spotlight, pero still, kailangan mong iparamdam ang sarili mo sa mga manonood. Kaya naman kapag ibinigay na sa'yo ang spotlight, itodo mo na."

Abala si Ruru sa kaniyang upcoming Kapuso series na "Lolong." – Jamil Santos/RC, GMA News