Ipinaalam ni Cassy Legaspi sa kaniyang followers na na-hacked ang kaniyang Facebook account.

Sa kaniyang pahayag na ipinost niya rin sa Twitter, pinaalalahanan ng aktres ang kaniyang followers na huwag makikipag-transaksiyon sakaling may makipag-ugnayan sa kanila gamit ang kaniyang FB account.

"Just wanted to warn you all that my official Facebook page has been hacked. (Cassy Legaspi with a verified check),” saad niya sa tweet.

ADVERTISEMENT

"Please do not engage with any of their messages, that isn't me responding and posting. My managers will be handling this,” dagdag pa ng aktres.

 

 

Nangyari ang pag-hack sa kaniyang FB page habang naghahanda siya sa lock-in taping ng upcoming series na "First Lady," na sequel sa "First Yaya."

Muling gagampanan ni Cassy ang kaniyang role na anak ng pangulo ng bansa na si Nina Acosta. — FRJ, GMA News