Nagdetalye si Miss Glamour Philippines Gianna Llanes tungkol sa nangyaring kaguluhan sa Miss Glamour International 2021 sa Mexico.

Inilahad ni Gianna na walang nangyaring coronation night sa naturang paligsahan, walang sponsor at wala ring judges nang magpunta siya roon, ayon sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado.

ADVERTISEMENT

Anim lang silang kandidata na dumating sa Mexico, at kamuntikan pa umano siyang matangayan ng pera ng organizers ng pageant.

Nasa Canada sa kasalukuyan si Gianna kasama ang mga magulang. – Jamil Santos/RC, GMA News