Tinanong ang "Voltes V: Legacy" leading man na si Miguel Tanfelix kung jojowain o totropahin para sa kaniya ang co-star niyang si Ysabel Ortega.

Sa segment na "Tarantanong" ng programang "Mars Pa More," sinabi ni Miguel na jojowain para sa kaniya si Ysabel.

ADVERTISEMENT

Nang tanungin kung bakit, sabi ni Miguel, "Jowa type of person si Ysabel. Maayos dalhin ang sarili niya, professional sa work and may pangarap."

Gagampanan ni Miguel sa "Voltes V" ang role ni Steve Armstrong, habang si Jamie Robinson naman ang karakter ni Ysabel.

Kasama rin nila sina Radson Flores bilang si Mark Gordon; Matt Lozano bilang si “Big Bert” Armstrong; at Raphael Landicho bilang si “Little Jon” Armstrong.

Samantala, tinanong din sa "Mars Pa More" si Miguel kung ang nag-iisang ugali ng babae ang pinaka-ayaw niya. Panoorin sa video ang kaniyang sagot.


--FRJ, GMA News