Para kay Kris Bernal, sino kaya kina Martin Escudero, Paulo Avelino at Aljur Abrenica ang sa tingin ay pinakamahusay na umarte?

Sa "The Boobay and Tekla Show," tila nahirapan si Kris na sagutin ang naturang tanong nang sumabak siya sa segment ng show na "Sasagutin o Kakainin?"

Kung hindi niya sasagutin ang tanong, kailangan niyang kumain o uminom ng kakaibang putahe na inihanda ng programa. Pero kung sasagutin niya, pipili siya sa "Mema Squad" kung sino ang gagawa ng parusa.

"Sasagutin ko na lang," sabi ni Kris, sabay paliwanag na hindi naman makakasali sa StarStruck ang tatlong aktor kung hindi magaling.

"Hindi naman walang pakialam, pero kasi, matagal na. Kasama ko pa lang sila sa StarStruck. Maiintindihan nilang lahat 'yan. At saka hindi naman sila makakapasok sa StarStruck kung hindi naman sila lahat magaling," paliwanag ni Kris.

Si Paulo ang pinili ni Kris na number 1 o pinakamahusay sa tatlong aktor pagdating sa acting.

Pero sino kaya ang naging pangatlo o last sa ranking niya ng husay sa pag-arte? Alamin ang sagot sa video, at ang sagot din ni Kris sa tanong kung "babaero" ba si Aljur na dati niyang ka-love team. Panoorin.

--FRJ, GMA News