Inihayag ni Bianca Umali na tapos na ang shooting nila para sa season 3 ng HBO series na "Halfworlds," na inaasahang mapapanood na sa 2022.

"We finished shooting it already. We shot for the series for about a year and a half I believe, but the whole thing has been in the making for five years already," sabi ni Bianca sa Kapuso Showbiz News.

Ayon pa kay Bianca, nasa proseso na ng editing ang production.

ADVERTISEMENT

"Hopefully maybe third quarter of next year ma-release na rin ng HBO 'yung series namin," sabi ni Bianca.

Kahit tapos na sa kanilang taping, hindi pa rin daw makapaniwala na nakuha ni Bianca ang lead role ni Alex, isang half-human at half-engkanto.

"Honestly hindi pa rin siya nagsi-sink in talaga and everything else," anang Kapuso actress.

"I think it will never sink in also. Everything is still, especially HBO is surreal talaga. It's so hard na ma-accept ko siya as reality kasi kumbaga napakataas na pangarap no'n, and never ko pa nga siyang pinangarap eh, pero dumating siya sa akin," sabi ni Bianca.

"Kung paano nila ako nakikita, hindi ko alam kung paano ko siya tatanggapin because it humbles me and hindi ako makapaniwala na ito na ako ngayon. Kaya walang humpay na pasasalamat lang po ang gusto kong sabihin." – Jamil Santos/RC, GMA News