Dream come true para sa mag-asawang Rich Asuncion at Benj Mudie ang pagkakaroon nila ng sariling bahay sa Australia.

Sa Instagram, ibinahagi ni Rich ang kanilang family photo habang nasa harapan ng kanilang bagong tahanan.

"Finally, a house we can call our own a dream come true for the Mud squad," saad ni Rich sa caption ng larawan.

"Ben and I have never worked so hard (and fought so hard) in our time together but I have to give it to you Papa Benj for being headstrong and focused on our goal," saad ng aktres. "Like I said before, you are an excellent leader."

Ayon kay Rich, looking forward siya sa pagbuo ng "wonderful memories here with my growing family."

Kamakailan lang, ibinahagi ni Rich na lumabas ang kaniyang pamilya para sa isang commercial sa Australia.

Noong July 2020 nang lumipad si Rich sa Australia para makasama na ang kaniyang asawa.

Nagtrabaho doon si Rich bilang waitress at nagpatuloy sa kaniyang pag-aaral.

Taong 2018 nang magpakasal sina Rich at Benj, at magkakaroon na sila ng pangalawang baby.— FRJ, GMA News