Iba't ibang regalo at sorpresa ang hatid ng 'Unang Hirit' sa kanilang week-long anniversary celebration. Kabilang sa kanilang ipamimigay, isang bagong house and lot.

Sa Chika Minute report sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabing ipagdiriwang ng longest-running morning TV show sa Pilipinas ang kanilang ika-22 taong anibersaryo.

Bahagi ng kanilang weeklong anniversary ang pamimigay ng mga papremyo at pamasko,  kabilang ang cash, appliances, noche buena packages, at isang bagong Camella house and lot.

Maaaring magpadala ng entries para manalo ng bahay at lupa simula ngayon hanggang sa December 31, 2020.

CLICK: BAGONG BUHAY, BAGONG BAHAY SA 2022 PROMO

Kailangan lamang sagutin ang tanong kung bakit ikaw o ang iyong nominado ang dapat na makatanggap ng bagong bahay at lupa ng Camella.

Ang mananalo ay iaanunsiyo sa programa sa January 17, 2022.

--FRJ, GMA News