Nagnumero uno ang bagong single na "Bazinga" ng SB19 sa lingguhang Hot Trending Songs sa billboard.

Sa "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing nalamangan na ng SB19 ang "Butter," "Permission to Dance" at "Dynamite" ng global idol na BTS.

Sinabi ng Billboard na nakakuha ng 0.5 million Twitter mentions ang "Bazinga" sa tracking week.

Mula number 8, number 1 na ang Bazinga.

Nagpasalamat ang SB19 sa kanilang mga taga-suporta, lalo na ang A'TIN. —Jamil Santos/LBG, GMA News