Iniyahag ni AiAi delas Alas na uuwi siya sa Pilipinas sa Enero para sa isang bagong proyekto sa Kapuso Network.

"Meron tayong soap opera. So thank you sa GMA. Excited na excited ako," sabi ni AiAi sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa 24 Oras nitong Miyerkules.

Hindi naman nagdetalye pa si AiAi tungkol sa gagawin niyang proyekto.

ADVERTISEMENT

Kasalukuyang nakatira si AiAi sa Virginia, USA kasama ang asawang si Gerald Sibayan, na ini-enjoy ang kanilang buhay may-asawa.

"Masyado lang malamig, pero happy ako kasi naaalagaan ko 'yung asawa ko. Napagluluto ko siya, naglalaba at saka simpleng buhay," sabi ni AiAi.

Libangan nina AiAi at Gerald ang Tiktok.

Nagpasaya naman si AiAi, na naghandog ng mga awitin sa Pinoy nurses sa kanilang Christmas party sa Florida.

Natuwa si Kapuso Comedy Concert Queen sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga kababayan.

"Nagpasalamat talaga ako sa kanila [frontliners] kasi sila ay isa sa ating mga bayani na talaga namang sinusuong 'yung buhay nila para sa mga nagkakasakit na dulot ng pandemya."

Sa Virginia ipagdiriwang nina AiAi at Gerald ang Pasko at pagkatapos nito ay tutungo naman si AiAi sa Los Angeles, California para makasama ang anak na si Sophia. — Jamil Santos/VBL, GMA News