Ipinagdiwang ng Kapuso stars ang Pasko kasama ang kani-kanilang mga pamilya ngayong araw, kasabay ng kanilang malaking pasasalamat sa kabila ng mga hamon ngayong taon.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, makikita ang Instagram post ng pretty in pink na si Marian Rivera, kasama ang asawang si Dingdong Dantes at mga anak nilang sina Zia at Sixto.

Nag-post din ng kanilang family portrait si Iya Villania kasama ang asawang si Drew Arellano at anak nilang sina Primo, Leon at Alana.

ADVERTISEMENT

Ang pamilya Legaspi naman, green ang motif na may background ng kanilang snowman Christmas tree.

Nagpahatid naman ng very festive na Christmas greetings ang pamilya ni Yasmien Kurdi kasama ang kanilang fur baby.

Inihayag din ng Kapuso couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza ang kanilang mga pagbati.

Simple pero gorgeous si Barbie sa kaniyang red dress habang sweet sila sa kanilang photo ni Jak.

Kitang kita ang saya kay Sanya Lopez sa kaniyang solo Christmas photo habang tinatampok ang kaniyang noche buena.

Nagdiwang din ng Christmas kasama ang pamilya si Gabbi Garcia.

Happy at pretty sa kaniyang green na OOTD si Julie Anne San Jose, na nagdiwang din ng Pasko kasama ang pamilya. – Jamil Santos/RC, GMA News